Naglalaman ang artikulong ito ng sumusunod:
1. Pangkalahatang-ideya
2. Mga Direksyon sa Pag-log in
• Mag-log in sa Clever
• Mag-log in sa Google
• Mag-log in gamit ang Active Directory
• Mag-log in gamit ang Mga Badge
3. Pag-log out
4. Paano ako makakahingi ng tulong?
Pangkalahatang-ideya
Ang unang hakbang para i-log in ang iyong estudyante sa Clever ay pagtitiyak na gumagamit ka ng device o browser na compatible sa Clever. Kapag nakumpirma mo na ito, puwede kang mag-navigate sa page sa pag-log in ng Clever ng iyong distrito, o sa clever.com/login para hanapin ang paaralan ng iyong estudyante para makapag-log in.
Mangyaring tandaan: Posibleng mayroong maraming paaralan na pareho ang pangalan, kaya maging sigurado sa pagpili ng paaralang nauugnay sa distrito ng paaralan ng iyong estudyante! Kung hindi mo mahahanap ang kanilang paaralan, mangyaring tanungin sa kanilang guro kung paano mag-log in sa Clever.
Mga Direksyon sa Pag-log in
Magbasa pa para sa karagdagang tulong sa pag-log in ng iyong estudyante. Mangyaring mag-navigate sa naaangkop na seksyon sa ibaba para sa mga tagubiling partikular sa paraan ng pag-log in ng iyong distrito (hal., Google, Active Directory, atbp.)
Mag-log in sa Clever
- Kung gumagamit ang iyong estudyante ng opsyong 'Mag-log in gamit ang Clever,' o may opsyon lang na maglagay ng username at password, ilagay ang mga kredensyal ng kanilang distrito.
- Kung makakatanggap ang iyong estudyante ng error na nagsasaad ng 'Hindi balidong username o password', nangangahulugan itong mali ang mga kredensyal na inilagay ng iyong estudyante sa kanilang Clever account.
- Kung makakatanggap ang iyong estudyante ng error na nagsasaad ng 'Hindi balidong username o password', nangangahulugan itong mali ang mga kredensyal na inilagay ng iyong estudyante sa kanilang Clever account.
Kung papayagan ng iyong distrito, puwedeng piliin ng iyong estudyante ang opsyong 'Humingi ng tulong sa pag-sign in!' o 'Humingi ng tulong sa pag-log in!' para i-reset ang kanilang password.
Mangyaring tandaan: Hindi lahat ng distrito ay pinapayagan ang mga estudyante na i-reset ang kanilang mga sariling password. Kung hindi mo makikita ang opsyon sa pag-reset ng password, o kung hindi nito malulutas ang isyu, mangyaring makipag-ugnayan sa guro administrador ng paaralan ng iyong estudyante para humingi ng tulong sa kanilang mga kredensyal ng Clever.
Mag-log in sa Google
- Kung ginagamit ng iyong estudyante ang opsyong 'Mag-log in gamit ang Google', mare-redirect sila na mag-sign in gamit ang email address at password na ibibigay ng paaralan. Hindi sila magla-log in gamit ang personal na Google (@gmail.com) email address.
- Kung makakatanggap ang iyong estudyante ng isa sa mga error sa ibaba, narito ang dapat gawin:
- Maling password. Subukan ulit o i-click ang Nakalimutan ang password para i-reset ito: Nangangahulugan itong naglagay sila ng maling password para sa kanilang email address na ibinigay ng paaralan. Kakailanganin nilang ilagay ang tamang password para sa kanilang account, o i-reset ito (kung naaangkop).
- Naku! Hindi namin na-authenticate ang paggamit ng Google email: xxxx@example.com: Nangangahulugan itong hindi pareho ang email address na ibinigay ng paaralan sa naka-link sa kanilang Clever account. Mangyaring tiyaking ginagamit mo ang email address na ibinigay ng paaralan.
Mangyaring tandaan: Kino-configure ng distrito ng paaralan ang mga kredensyal sa pag-log in ng iyong estudyante.
Mag-log in gamit ang Active Directory
- Kung ginagamit ng iyong estudyante ang paraang 'Mag-log in gamit ang Active Directory,' mare-redirect sila na mag-sign in sa account ng kanilang distrito ng paaralan sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ng Pederasyon ng Active Directory (Active Directory Federation Services, ADFS). Pinapamahalaan ang mga username at password para sa ADFS ng administrasyon ng distrito ng iyong paaralan. Karaniwang ang kanilang mga kredensyal ay ang email at password na kanilang ginagamit para mag-log in sa kanilang computer sa school.
Mag-log in gamit ang Mga Badge
- Piliin ang opsyong 'Clever Badge Log in'. Puwede ka ring direktang pumunta sa clever.com/badges.
- Posibleng hilingin sa iyo ng iyong internet browser na payagan ang clever.com na gamitin ang camera ng iyong device. Piliin ang 'Payagan'.
- Itapat ang Badge ng iyong mag aaral sa camera ng device, at hintayin ang berdeng checkmark para ma-log in ang iyong estudyante sa Clever!
Pag-log out
Para mag-log out sa Clever, mag-navigate sa Clever Portal, mag-hover sa iyong pangalan sa kanang sulok sa itaas, at i-click ang Mag-log out.
"Awtomatikong mala-log out ang mga user sa clever pagkatapos ng:
- 24 na oras ng kawalan ng aktibidad
- Ma-quit ang browser (hal., "Mag-quit sa Google Chrome")
Paano ako makakahingi ng tulong?
Pinapamahalaan ang mga kredensyal sa pag-log in ng distrito ng paaralan. Kung hindi ka sigurado sa mga kredensyal sa pag-log in ng iyong estudyante, nakakatanggap ka ng error kapag nagla-log in, o biglang huminto sa paggana ang pag-log in ng iyong estudyante, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong guro o sa help desk ng distrito para sa humingi ng tulong. Karaniwang puwede mong makita ang kanilang impormasyon sa paikipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagpili sa Humingi ng tulong sa pag-log in! mula sa page sa pag-log in sa Clever ng iyong distrito.
Sa karamihan ng sitwasyon, nagbibigay ang distrito ng email address, numero ng telepono, o mga tagubiling gagabay sa mga user sa naaangkop na taong makakaugnayan o departamento para humingi ng tulong.
Kung hindi mo makikita ang listahan ng kontak sa suporta, mangyaring makipag-ugnayan sa guro ng iyong estudyante.
Tingnan sa iyong distrito ng paaral para makita kung na-enable nila ang Family Portal para matulungan ang mga pamilya at estudyante na mag-log in sa Clever!