Naglalaman ang artikulong ito ng sumusunod:
1. Pangkalahatang-ideya
2. Pag-set up sa iyong Clever Family Portal account
3. Paggamit sa Clever Family Portal para tulungan ang iyong anak na mag-log in
4. Mga link ng distrito
5. Mga ideya sa Clever
6. Mga Mensahe
7. FAQ
Pangkalahatang-ideya
Nilalayon ng Clever na suportahan ang pag-aaral kahit saan. Gamit ang Clever Family Portal, makakagawa ang mga magulang/tagapag-alaga ng account at matutulungan nila ang kanilang mga anak na matuto sa bahay. Sasaklawin ng artikulong ito ang pag-set up sa account ng pamilya, ang mga tool na available sa Clever Family Portal, at ang mga sagot sa mga madalas itanong. Kung magkakaroon ka ng anumang isyu kaugnay ng mga account na ito, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa aming support team.
Kung na-set up mo na ang iyong Clever Family Portal account at kailangan mong mag-log in ulit, puwede kang pumunta sa family.clever.com!
Pag-set up sa iyong Clever Family Portal account
Kung iimbitahan ka ng distrito ng paaralan ng iyong anak sa Clever Family Portal, ikaw bilang magulang ay dadaan sa mga sumusunod na hakbang:
1. Tanggapin ang iyong imbitasyon
Ipinadala ang mga imbitasyon ng iyong distrito ng paaralan! Ang imbitasyon ay maaaring nasa anyo ng email o text message (tingnan sa ibaba.) Kung marami kang anak sa iisang distrito ng paaralan, makakatanggap ka ng maraming imbitasyon—isa para sa bawat bata. Dapat mong i-click ang link sa bawat natatanging imbitasyon para makakonekta sa lahat ng iyong anak gamit ang Clever.
Kung hindi ka makakatanggap ng imbitasyon pero gusto mong gamitin ang Clever Family Portal, makipag-ugnayan sa kontak ng suporta ng tech ng iyong distrito at ipaalam ang iyong kahilingan.
Para gumawa ng iyong account, mag-click sa link ng imbitasyon at magpatuloy sa hakbang 2!
2. Kumpirmahin ang iyong imbitasyon.
Kapag na-click mo na ang link, mapupunta ka sa web page ng Family Portal. Kung tama ang pangalan ng paaralan at ng iyong anak, i-click ang asul na button!
Kung hindi pangalan ng iyong anak ang lumalabas, maaaring nauugnay ang iyong paaralan sa maling estudyante. Mangyaring makipag-ugnayan sa iyong paaralan o sa guro ng iyong anak para lutasin ito.
3. Piliin ang iyong paraan ng pag-log in.
Kung gusto mong gamitin ang iyong Google email account para mag-log in sa Clever, piliin ang Magpatuloy sa Google. Hindi kailangang tumugma ang Google account sa email address na natanggap mo sa imbitasyon ng distrito.
Kung wala kang Google email address, piliin ang Magpatuloy gamit ang email. Mapo-prompt ka na magtakda ng password para sa iyong account. Puwedeng palitan ang password na ito anumang oras.
Kung na-set up mo na ang iyong account at nakakonekta ka na sa isa pang bata, ipo-prompt ka na mag-log in ulit at kumonekta sa karagdagang bata.
4. Welcome sa iyong Clever Family Portal!
Pagkatapos kumpirmahin ang iyong email, awtomatiko kang makakapag-sign in. Welcome!
Paggamit sa Family Portal para tulungan ang iyong anak na mag-log in
Kung hindi makapag-log in ang iyong anak sa Clever, matutulungan mo siyang mag-log in gamit ang iyong account sa Clever Family Portal. Magagamit mo ang Clever Family Portal para bigyan ang iyong anak ng access sa Clever Portal ng kanilang paaralan sa dalawang paraan:
Instant na Pag-log in
Mag-log in sa Clever Portal bilang iyong anak sa kasalukuyang device mo.
Kapag na-click mo ang Instant na Pag-log in, awtomatikong ila-log in ng Clever ang estudyante sa Clever Portal sa device na ginagamit mo. Para protektahan ang iyong account, mala-log out ka ng pag-click sa Instant na Pag-log in sa iyong Family Portal account, na nagbibigay-daan sa iyong anak na ligtas na magamit ang iyong device nang hindi nag-aalala na maa-access niya ang impormasyon o mga mapagkukunan para sa iba mo pang anak. Para bumalik sa iyong Clever Family Portal account, mag-navigate sa family.clever.com at mag-log in ulit.
Clever Badge
I-download ang Badge ng iyong estudyante para makapag-log in siya sa clever.com/badges
Kapag na-click mo na ang Clever Badge, ipapakita ng Clever ang Clever Badge ng iyong estudyante. Huwag mag-atubiling i-save ang Badge na ito sa iyong photos app para madaling ma-access! Para gamitin ang Clever Badge:
- Buksan ang Badge sa iyong telepono
- Sa device ng iyong anak, buksan ang web browser at mag-navigate sa clever.com/badges
- Itapat ang iyong telepono na nagpapakita sa Badge sa webcam ng iyong anak. Awtomatikong mala-log in ang iyong anak!
Mangyaring tandaan: Hindi lahat ng estudyante ay may mga Clever Badge. Ginagawa ang desisyong ito ng iyong distrito ng paaralan at hindi ito pinapamahalaan ng Clever. Para sa higit pang impormasyon sa mga Clever Badge, mangyaring tingnan ang Para sa Mga Pamilya: Paano ko matutulungan ang aking estudyante na mag-log in sa Clever na may Badge?
Mga idinagdag na link ng distrito
Sa ibaba ng mga tool sa pag-log in, posibleng magdagdag ang iyong distrito ng mga link para sa iyo. Sa Clever Family Portal, puwede mong i-click ang mga link na ibibigay ng iyong distrito. Ito ay mga mapagkukunan na magdadala sa iyo sa mga website na ibinabahagi ng iyong distrito sa iyo at sa anak mo.
Mga ideya sa Clever
Ang Family Portal ay hindi lang isang lugar para matulungan ng mga tagapag-alaga ang kanilang mga estudyante na makapag-log in pero isa rin itong lugar kung saan puwedeng suportahan ng mga tagapag-alaga ang mga estudyante na nag-aaral sa bahay. Kasama sa tab na Mga ideya sa Clever ang mga piniling mapagkukunan ng Clever.
Maingat na sinusuri ng aming team ang mga materyales para sa pagiging malinaw, kahalagahan, mapagkakatiwalaang pag-source, at insight para sa mga pamilya, pinipili lang ang mga mapagkukunang nakakatugon sa aming mahigpit na pamantayan na ibabahagi sa Family Portal. Kung may mga suhestyon ka para sa content, puwede kang mag-email sa families@clever.com para isumite ang iyong mga ideya!
Mga Mensahe
Nasasabik ang Clever na ialok ang pagmemensahe sa pagitan ng mga guro at pamilya bilang bahagi ng karanasan sa Family Portal. Pinapayagan ka ng feature na ito na makipag-usap nang secure sa lahat ng guro ng iyong estudyante mula sa isang madaling lokasyon.
Makikita lang ang mga mensahe sa iyong Clever Portal kapag may ipinadala nang mensahe sa iyo ang isang guro. Kapag dumating na ang mensahe, makakakita ng tab ng Mga mensahe sa iyong Family Portal kung saan puwede kang makipag-usap sa guro ng iyong anak.
Mangyaring tandaang makakapagpadala ka lang ng mensahe sa isang guro na nagpadala na sa iyo ng mensahe. Hindi lumalabas ang isa sa mga guro ng iyong anak, mangyaring direktang makipag-ugnayan sa kanila gamit ang email, na magpapaalam sa kanila na gusto mong makipag-usap sa kanila gamit ang Clever Portal!
Hindi sinusuportahan ng mga mensahe ang mga larawan, video, o attachment.
FAQ
Nakalimutan ko ang aking password! Paano ko maa-access ang aking Clever Family Portal account?
Puwede mong i-reset ang iyong password dito https://clever.com/oauth/clever/recover-account. Kakailanganin mong ilagay ang email address na naka-attach sa account ng iyong pamilya at magpapadala kami ng mga tagubilin sa pag-recover ng account doon.
Kung marami akong anak na gumagamit ng Clever, paano ako makakakonekta sa kanilang lahat?
Ang distrito ang nagtatalaga sa mga pag-uugnay ng estudyante. Para sa bawat estudyante na iniuugnay sa iyo ng distrito ng paaralan mo, makakatanggap ka ng hiwalay na link ng imbitasyon gamit ang email. Para maiugnay ka sa lahat ng iyong estudyante, kakailanganin mong i-click ang bawat link para kumpirmahin ang iyong relasyon sa mag–aaral. Kakailanganin mong kumpirmahin ang iyong email address nang isang beses.
Hindi ko nakikita ang lahat ng aking anak kapag nagla-log in ako. Kanino ako dapat makipag-ugnayan?
Pinapamahalaan ng distrito ng paaralan ng iyong anak kung aling mga email address ang nakakonekta sa bawat estudyante. Kung kailangan mo ng access sa mas maraming estudyante, inirerekomenda naming makipag-ugnayan sa distrito ng iyong paaralan.
Mayroon bang paraan para maiugnay ang account ng aking pamilya sa ibang email address?
Sa ngayon, hindi mababago ng Clever ang email address na nauugnay sa account ng pamilya. Mangyaring makipag-ugnayan sa iyong distrito para magpadala ng bagong imbitasyon ang distrito para sa bawat estudyante para itama ang email address.
Ano ang gagawin ko kung hindi ako nakakonekta sa mga tamang estudyante?
Mangyaring agad na makipag-ugnayan sa suporta ng Clever at magbigay ng screenshot ng account ng iyong pamilya, kung nasaang distrito ang iyong estudyante, at anupamang may kaugnayang impormasyon.